Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG KARAPATAN ANG ICC" DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE, HUMILING NG AGARANG AT WALANG KONDISYONG PAGPAPALAYA

Linggo, Nobyembre 16, 2025

 



Humiling ang legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ng immediate at unconditional release para sa dating pinuno ng bansa, na kasalukuyang hinaharap ang mga kasong may kaugnayan sa umano’y war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.


Sa 21-pahinang dokumento na nai-upload sa opisyal na website ng ICC noong Nobyembre 14, 2025, hiniling ng depensa na baliktarin ng ICC Appeals Chamber ang naging desisyon ng Pre-Trial Chamber 1, na anila ay “walang legal na basehan” at labag sa hurisdiksyon ng korte.


Ayon sa legal team ni Duterte, nagkaroon ng maling interpretasyon ang Pre-Trial Chamber sa Article 12(2) ng Rome Statute, na nagsasaad na ang isang bansa ay dapat kasaping estado ng ICC noong panahon ng paglabag upang magkaroon ito ng hurisdiksyon.


“In the Impugned Decision, the Pre-Trial Chamber agreed with the Defense in finding that Article 12(2) requires a State to be a Party to the Statute at the time that the Court exercises its jurisdiction,” ayon sa bahagi ng dokumento.


Ipinunto ng kampo ni Duterte na hindi na saklaw ng ICC ang Pilipinas mula nang pormal itong kumalas sa kasunduan noong 2019, sa ilalim pa rin ng kanyang administrasyon. Ayon sa depensa, mali at labag sa batas ang naging hakbang ng ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon, sapagkat wala nang obligasyon ang bansa na sumunod sa mga proseso ng korte.


Ang apelang inihain ng legal team ni dating Pangulong Duterte ay panibagong yugto sa matagal nang labanan sa pagitan ng Pilipinas at ng ICC.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento