Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang rebelasyon ng influencer na si Antonette Gail, partner ng kilalang content creator na si Whamos Cruz, matapos niyang ibahagi sa “Fowler’s Position” podcast ni Toni Fowler ang isang nakakagulat na kwento tungkol sa kanilang relasyon noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.
Sa naturang episode, inilahad ni Antonette ang hindi inaasahang pangyayari na umano’y naganap matapos silang mag-inuman ni Whamos. Ayon sa kanya, wala siyang kamalay-malay sa nangyayari at nagulat na lamang siya nang mapagtantong may kakaibang ginawa umano sa kanya ang boyfriend.
“Uminom kami, tapos matutulog na. Magkatabi kami ni Whamos, tapos nakatalikod ako, tapos may gumagalaw sa pw*t ko... Tapos pinunasan niya lang, tapos sp*rm na pala iyon,” - kuwento ni Antonette Gail sa podcast.
Dagdag pa ni Antonette, wala siyang ideya kung ano talaga ang nangyari, ngunit nagdulot ito ng matinding emosyonal na reaksyon mula sa kanya matapos niyang pagdugtung-dugtungin ang mga pangyayari.
Samantala, agad namang itinanggi ni Whamos Cruz ang mga pahayag ni Antonette. Ayon sa kanya, hindi totoo ang mga paratang at pinagbibintangan lamang siya dahil sa mga hindi pagkakaunawaan nilang magkasintahan.
Umani ng halo-halong reaksyon ang publiko sa viral clip. Marami ang nagpahayag ng pagkabigla at pagkondena kung totoo man ang sinabi
Ang isyung ito sa pagitan nina Antonette Gail at Whamos Cruz ay isa na namang patunay kung gaano kalakas ang impluwensya ng social media sa personal na buhay ng mga influencer.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento