Sa gitna ng patuloy na kontrobersya kaugnay ng maanomalyang flood control projects na umabot umano sa bilyon-bilyong piso, nanawagan si Vice President Sara Duterte na dapat ding maimbestigahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa Bise Presidente, walang dapat ituring na “exempted” sa imbestigasyon, lalo na kung ang mga ebidensya ay nagmumula mismo sa 2025 national budget kung saan umano nakita ang mga “insertions” na ginamit sa mga proyekto ng flood control na ngayon ay sentro ng kontrobersya.
“dapat masiyasat din ang pangulo dahil dawit ang kanyang pangalan. Kung gusto natin ng tunay na hustisya, dapat lahat ng posisyon. Wala dapat immunity sa katotohanan.” — Vice President Sara Duterte
Ang isyu ay nagsimula matapos ilantad ni dating Congressman Zaldy Co na mayroong ₱100 bilyong budget insertion umano na direktang inaprubahan sa ilalim ng 2025 national budget, na may kaugnayan sa flood control projects sa iba’t ibang rehiyon.
Kasunod nito, ilang opisyal ng gobyerno ang iniugnay sa maanomalyang transaksyon, kabilang na sina dating House Speaker Martin Romualdez at ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang panawagan ni Vice President Sara Duterte ay nagdagdag ng panibagong dimensyon sa flood control corruption scandal na patuloy na gumugulo sa administrasyon.
Habang marami ang pumupuri sa kanyang tapang at paninindigan, may ilan ding naniniwalang maaaring magpalala ito ng tensyon sa pagitan ng Marcos at Duterte camps.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento