Muling umingay ang pangalan ng Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos maglabas ng matapang na pahayag sa kanyang Instagram broadcast channel kung saan inihayag niya ang labis na pagkadismaya sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan.
Sa kanyang mensahe, hindi napigilan ni Catriona ang kanyang emosyon habang ipinahayag ang frustration sa kawalan ng hustisya, katiwalian, at kakulangan ng malasakit ng mga opisyal ng gobyerno sa mga Pilipino.
“Pwede ba, that a majority of our taxes can go directly to aid our communities and kababayans in need of relief whilst we await justice for the misuse of public funds and for a system to be put in place that we can actually trust?! I know I'm not the only one who's frustrated pero GRABE” - Miss Universe Catriona Gray
Ayon kay Catriona, matagal na niyang tinitiis ang pagkadismaya sa sistema ng pamahalaan, ngunit dumating na siya sa puntong wala na siyang tiwala sa mga pinuno na dapat ay naglilingkod sa taumbayan.
Ipinunto rin niya na habang ang mga Pilipino ay naghihirap at nagsusumikap mabuhay, tila ang mga opisyal naman ng gobyerno ay nabubuhay sa luho at kapangyarihan salungat sa tungkuling dapat nilang gampanan bilang mga lingkod-bayan.
Sinabi rin ng beauty queen na hindi siya nawawalan ng pag-asa sa pagbabago, ngunit hindi na siya umaasa sa kasalukuyang administrasyon para ito ay maisakatuparan. Ang matapang na mensahe ni Catriona Gray ay naging boses ng libo-libong Pilipino na matagal nang pagod at sawang makakita ng katiwalian at kapabayaan sa gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento