Muling naging usap-usapan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid matapos maglabas ng matapang na pahayag laban sa Marcos administration at sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa patuloy na pagbaha sa bansa.
Ayon sa singer, sawang-sawa na umano siya sa paulit-ulit na imbestigasyon at pangakong walang resulta, habang patuloy namang nagdurusa ang mga Pilipino sa kapabayaan at katiwalian sa mga flood control projects.
“Puro kayo imbestigasyon. Ang gusto namin ay solusyon sa korapsyon” - Regine Velasquez
Hindi na napigilan ni Regine ang kanyang pagkadismaya matapos makita ang lawak ng pinsala dulot ng malalaking pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa. Ayon sa kanya, ilang taon na ang lumipas ngunit pare-pareho pa rin ang senaryo mga nasirang tahanan, nawalan ng kabuhayan, at mga pamilyang naiwan sa trahedya.
Sinisi ng singer ang palpak na flood control projects, walang habas na pagmimina, at pagputol ng mga puno na aniya ay pinapayagan pa rin ng ilang korap na opisyal kapalit ng pansariling interes. Ayon kay Regine, hindi lang kalikasan ang nasisira, kundi ang kinabukasan ng mga Pilipino.
Ang pahayag ni Regine Velasquez ay malinaw na boses ng pagkadismaya ng mamamayang Pilipino na araw-araw nakararanas ng epekto ng kapabayaan at katiwalian sa pamahalaan. Sa gitna ng trahedya at paulit-ulit na pangako, ang kanyang mga salita ay sumasalamin sa hinaing ng sambayanan sawang-sawa na sa imbestigasyon, ang gusto ay aksyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento