Hindi napigilan ng beteranong aktor at TV host na si Edu Manzano na magpahayag ng kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang estado ng hustisya sa bansa. Sa isang matapang na pahayag, tinuligsa ni Edu ang kawalan ng pananagutan ng mga tiwaling opisyal sa ilalim ng Marcos administration, habang ang mga karaniwang mamamayan naman ay agad nakukulong kahit sa maliliit na kasalanan.
“Nakakalungkot lang isipin na kung ikaw ay ordinaryong mamamayan at may nagawa kang maliit na pagkakamali, kulong agad. Pero kung ikaw ay opisyal ng gobyerno at may ninakaw na bilyon-bilyon, may presscon ka pa” - Edu Manzano
Ayon kay Edu, tila nagiging laro na lang ang hustisya sa Pilipinas, kung saan ang mahihirap ay agad napaparusahan, samantalang ang mga makapangyarihan ay tila ligtas sa batas kahit malinaw na may ebidensya ng katiwalian.
Ipinunto rin ni Edu na maraming Pilipino ang nawawalan na ng tiwala sa hustisya, dahil tila hindi patas ang laban pagdating sa may pera at koneksyon sa gobyerno. Dagdag pa ni Edu, paulit-ulit na lang daw ang isyu ng korapsyon, imbestigasyon, at pangako ng reporma, ngunit wala namang konkretong pagbabago.
Sa halip na puro imbestigasyon at pa-pogi sa media, hinikayat ni Edu ang gobyerno na patunayan sa gawa ang kanilang sinasabing kampanya laban sa korapsyon. Ang pahayag ni Edu Manzano ay hindi lamang simpleng banat, ito ay salamin ng realidad ng hustisya sa Pilipinas. Sa panahon na ang korapsyon ay tila karaniwan na, ang kanyang mga salita ay paalala na hindi dapat maging normal ang kawalang-pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento