Advertisement

Responsive Advertisement

“GRABE SILA MAGHANDA SA RALLY PERO SA MGA PAPARATING NA BAGYO PURO KAMOT SA ULO” KA LEODY UMALMA SA “BALUKTOT NA PRAYORIDAD” NG GOBYERNO

Linggo, Nobyembre 16, 2025

 



Hindi na napigilan ni Ka Leody De Guzman, kilalang labor leader at dating presidential candidate, ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon matapos ang kawalan ng agarang aksyon ng gobyerno sa harap ng panibagong bagyo na nananalasa sa bansa.


Sa kanyang matapang na pahayag, binatikos ni Ka Leody ang pamahalaan dahil mas mabilis umano itong kumikilos kapag may rally, ngunit tila walang kahandaan kapag kalamidad na ang pinag-uusapan.


“Matatawa ka rin dito sa gobyerno e. Grabe sila maghanda sa rally pero sa mga paparating na bagyo puro kamot sa ulo, walang ginagawa. Ang labo.” - Ka Leody De Guzman


Ayon kay Ka Leody, malinaw na ipinapakita ng pamahalaan ang maling sistema ng prayoridad mas inuuna ang pagpigil sa kilos-protesta kaysa sa paghahanda para sa kalamidad na nagdudulot ng pinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.


Dagdag niya, tila mas natatakot ang pamahalaan sa tinig ng taumbayan kaysa sa mga unos na patuloy na nagpapahirap sa kanila. Tinuligsa rin ni Ka Leody ang kawalan ng proactive measures ng gobyerno pagdating sa disaster preparedness.


Ang pahayag ni Ka Leody De Guzman ay matinding sampal sa kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan. Habang abala ang gobyerno sa pagpigil sa mga rally at pagpapa-pogi sa publiko, libo-libong Pilipino ang nagdurusa sa baha, gutom, at kawalan ng tulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento