Advertisement

Responsive Advertisement

“6 NA TAON ITONG KAWALANG-HIYAAN NA GINAWA SA AKIN NI RAFFY TULFO" ANJO YLLANA NAKIKIUSAP AT HUMIHINGI NG TULONG SA MGA ABOGADO PARA LABANAN SI SEN. RAFFY TULFO

Linggo, Nobyembre 16, 2025

 



Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang emosyonal na panawagan ni aktor at dating pulitiko Anjo Yllana matapos siyang maglabas ng matapang na video sa social media kung saan humihingi siya ng tulong sa mga abogado na may “ginintuang puso” upang ipaglaban ang sarili laban kay Senator Raffy Tulfo.


Makikita sa video ang halatang galit, lungkot, at pagod ni Anjo habang ibinabahagi ang kanyang saloobin sa mga taong patuloy daw naniniwala sa mga maling akusasyon laban sa kanya.


Ayon kay Anjo, mahigit limang hanggang anim na taon na niyang tiniis ang pananahimik matapos masira ang kanyang reputasyon dahil umano sa mga pahayag ni Raffy Tulfo sa dating segment ng Raffy Tulfo in Action.


“Wala pong script ‘to. Ako po’y nakikiusap at humihingi ng tulong sa inyo… sapagkat umabot na ng 5 hanggang 6 na taon itong kawalang-hiyaan na ginawa sa akin ni Raffy Tulfo” -Anjo Yllana


Ayon sa kanya, dahil sa mga lumabas na balita noon, marami sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya ang naniwala na isa siyang scammer isang bagay na aniya ay hindi niya kailanman ginawa.


Ang emosyonal na pahayag ni Anjo Yllana ay patunay na sa likod ng showbiz glamour, may mga sugat na dulot ng maling paratang na hindi madaling hilumin. Matapos ang ilang taong pananahimik, napagpasyahan na niyang lumaban para sa kanyang pangalan at dignidad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento