Advertisement

Responsive Advertisement

"TINITIMBANG NAMIN KUNG ANO SA PANINIWALAAN NAMIN" SEN. KIKO PANGILINAN MATAPANG NA SINAGOT ANG PARATANG NI SEN. BATO NA NAG-AABANG LANG ANG MGA PINKLAWANS

Linggo, Nobyembre 16, 2025

 



Matapang na bumuwelta si Senador Kiko Pangilinan laban sa mga paratang ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na nagsabing nananahimik umano ang mga “Pinklawan” at mga “komunista” hinggil sa mga rebelasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.


Ayon kay Pangilinan, ang pagtahimik ay hindi nangangahulugang kawalang-pakialam.


Aniya, tinitimbang ng kanilang grupo kung alin ang makabubuti sa sambayanan, at hindi lamang sa kung sino ang nakaupo sa poder.


“Hindi kami nananahimik. Nagmamasid kami at tinitimbang ng husto kung ano sa paniniwala namin ang pinakamainam hindi para sa sinuman na nakaupo kundi para sa ikabubuti ng bansa,” -Senador Kiko Pangilinan


Ayon kay Dela Rosa, ang katahimikan ng mga naturang grupo ay diumano bahagi ng kanilang “strategiya” upang magmukhang makatarungan at kontra-korapsyon, habang sinisikap ding pigilan ang pagbagsak ng kasalukuyang administrasyon kung saan umano sila nakinabang.


“Tahimik ang Pinklawans at Komunista sa expose ni Zaldy Co. Strategize muna sila how to appear righteous and anti-corruption kuno, at the same time prevent the downfall of this government from which they benefited a lot,” -Senador Bato Dela Rosa


Ngunit hindi pinalampas ito ni Senador Kiko Pangilinan, na iginiit na ang katahimikan ng kanilang hanay ay hindi tanda ng pagtakot o pagkampi, kundi pagpapakita ng maingat na paghusga sa sitwasyon ng bansa. Idinagdag pa niya na responsibilidad ng bawat lider na maging maingat sa mga pahayag, lalo na kung ito ay maaaring magdulot ng karagdagang hidwaan sa lipunan.


Ang palitan ng pahayag nina Senador Bato Dela Rosa at Senador Kiko Pangilinan ay nagpapakita ng magkaibang pananaw sa papel ng oposisyon sa kasalukuyang krisis pampulitika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento