Naging mainit na usapin sa social media ang panawagan ng vlogger na si Ferdinand Dela Merced, kilala bilang Philippine Looper, matapos siyang ideklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan ng Negros Oriental. Dahil dito, naglabas siya ng emosyonal na pahayag at nagplano na humingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang ipaglaban ang kanyang panig.
“Simple lang ang gusto ko ang tratohin ako ng maayos" -Ferdinand Dela Merced
Ayon sa ulat, idineklara si Philippine Looper Ferdinand Dela Merced bilang persona non grata matapos umano niyang magbigay ng mga pahayag laban sa ilang opisyal ng probinsya sa kanyang mga vlog. Itinuring ng mga opisyal na nakasisira ito sa imahe ng lokal na pamahalaan, dahilan upang maglabas sila ng resolusyon laban sa kanya.
Sa kanyang panayam, iginiit ni Ferdinand na hindi niya nilabag ang batas, at ginagamit lamang niya ang kanyang karapatan bilang mamamayan na magpahayag ng saloobin.
Sinabi rin niya na lalapit siya kay Pangulong Marcos upang humingi ng tulong at paglilinaw hinggil sa kanyang kaso. Naniniwala siyang may karapatan pa rin siyang pakinggan at protektahan, lalo na kung ang kanyang ginagawa ay para sa kabutihan ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento