Sa gitna ng mga kwento ng pagsasakripisyo at walang sawang pagtulong ng mga breadwinner sa kanilang pamilya, nagbigay ng makabuluhang paalala si Vice Ganda na umantig sa damdamin ng maraming Pilipino. Sa isang segment ng kanyang programa, ibinahagi ng komedyante at TV host ang kanyang opinyon tungkol sa pagiging breadwinner na bagama’t marangal, ay dapat may hangganan.
“Sa mga breadwinner, gusto kong sabihin sa inyo na natatapos dapat ‘yun. Hindi ‘yun forever. Pag nakatulong na kayo, tapos na, ang iisipin niyo yung sarili niyo na.” - Vice Ganda
Ayon kay Vice Ganda, walang masama sa pagtulong sa pamilya, ngunit dapat din daw matutunan ng mga Pilipino lalo na ang mga breadwinner na alagaan ang sarili at unahin ang sariling pangarap pagkatapos tumulong. Maraming Pilipino ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa o kumayod nang sobra upang maitaguyod ang pamilya, ngunit minsan ay nakakalimutan nang magpahinga at mag-ipon para sa sarili.
Dagdag pa ni Vice, mahalaga rin na hindi makalimutan ang sariling kaligayahan at pangarap. Aniya, maraming breadwinner ang tumatanda na walang ipon, walang sariling bahay, o nakalimutang pagtuunan ng pansin ang sariling kalusugan dahil sa sobrang pagbibigay sa iba.
Ang mensahe ni Vice Ganda ay isang paalala sa bawat breadwinner na habang marangal ang sakripisyong ginagawa para sa pamilya, hindi dapat kalimutan na may karapatan din silang mangarap, magpahinga, at alagaan ang sarili. Sa mundong puno ng obligasyon, mahalagang tandaan na ang kabutihang loob ay hindi dapat maging dahilan para makalimutan ang sariling halaga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento