Advertisement

Responsive Advertisement

“GRABE ANG BILIS NG PASKO HUSTISYA LANG TALAGA ANG LAGING LATE” EDU MANZANO HINDI PA TAPOS ANG PATAMA SA MARCOS ADMINISTRATION

Lunes, Nobyembre 17, 2025

 



Hindi pa rin tapos sa kanyang mga pasaring ang beteranong aktor na si Edu Manzano matapos niyang maglabas ng panibagong pahayag laban sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Edu ng simpleng ngunit malalim na mensahe:

“43 days before Christmas. Grabe, ang bilis ng Pasko… Hustisya lang talaga ang laging late.”


Bagama’t maiksi, umani ito ng matinding reaksyon sa publiko dahil para sa marami, malinaw na ito ay patama sa kabagalan ng hustisya at kawalan ng pananagutan sa mga kaso ng katiwalian sa bansa.


Ayon kay Edu, tila mas madali pang lumipas ang panahon at dumating ang Pasko kaysa makita ang mga korap na opisyal na napapanagot sa batas. Sa mga nagdaang buwan, ilang beses nang nagpahayag ang aktor ng pagkadismaya sa mga isyung bumabalot sa pamahalaan kabilang na ang mga kontrobersiyang may kinalaman sa budget insertion, flood control projects, at korapsyon sa ilang ahensya ng gobyerno.


Hindi na bago ang pagiging vocal ni Edu Manzano sa mga isyung politikal. Noong nakaraang linggo, nagsalita rin siya tungkol sa korapsyon at sinabing mas marami pa raw shoplifter na nakakulong kaysa sa mga kurap na opisyal.


Sa kanyang simpleng ngunit matalim na mensahe, muling ipinakita ni Edu Manzano ang kanyang pagiging matapang at mapanuring mamamayan. Para sa kanya, ang kabagalan ng hustisya ay hindi simpleng isyu ng sistema ito ay repleksyon ng kawalan ng accountability at pagkakapantay-pantay sa batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento