Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG HAYAANG PADILIMIN MULI NG TEAM ITIM ANG BANSA" ATTY. CLAIRE CASTRO BINANATAN SI VP SARA, NAGBIGAY NG BABALA

Lunes, Nobyembre 17, 2025

 



Agad umani ng atensyon ang matapang na pahayag ni Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Malacañang, na tila pasaring laban kay VP Sara at kay Sen. Imee Marcos.


Ayon kay Atty. Castro, hindi umano dapat hayaang muling padilimin ng mga “team itim” na tinutukoy niya bilang mga pulitikong patuloy na gumagawa ng intriga at kaguluhan ang bansa sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng administrasyon.


Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Atty. Castro na tuloy-tuloy ang trabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para maibalik ang tiwala ng mamamayan at malinis ang mga pagkukulang na iniwan ng nakaraang administrasyon.


“Naglalabasan na ang mga ebidensiya kaya huwag nating hayaang padilimin itong muli ng team itim” - Atty. Claire Castro


Marami ang nag-ugnay sa kanyang “team itim” remark kay VP Sara Duterte at Sen. Imee Marcos na kamakailan ay naging sentro ng mga balita dahil sa umano’y hidwaan at alitan sa loob ng administrasyon.


Sa gitna ng politikal na tensyon at kaliwa’t kanang akusasyon, lumalalim ang hidwaan sa pagitan ng mga kampo nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara Duterte.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento