Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion scandal na ibinunyag ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, muling naging laman ng usapan ang aktor at dating politiko na si Anjo Yllana matapos maglabas ng matapang na panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na umano’y “kumilos para sa bayan at hindi para sa mga nasa Malacañang.”
Sa isang video, diretsahan niyang hinamon ang mga miyembro ng AFP na ipakita ang kanilang katapatan sa bansa. Ayon kay Anjo, hindi dapat manahimik ang militar sa gitna ng mga isyung bumabalot sa kasalukuyang administrasyon.
“Mag-usap-usap kayo. Ano ba ang gusto n’yo? Paalisin si Marcos sa Malacañang o magulo ang Maynila? Magkapatayan, magkasugatan, magsunugan? Huwag kayong maging tuta ni Marcos. Dapat tapat kayo sa Pilipinas. Pakita n’yo ang tapang n’yo!” -Anjo Yllana
Binanggit din ni Yllana sa kanyang video ang mga pahayag ni Zaldy Co na umano’y naglantad sa diumano’y “mastermind” sa likod ng flood control corruption scandal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Rep. Martin Romualdez. Ayon sa kanya, kung totoo ang mga dokumento at ebidensya ni Co, hindi dapat nananahimik ang mga ahensya ng gobyerno at lalo na ang AFP.
Dagdag pa niya, kung totoo ang mga ibinunyag ni Zaldy Co, ay panahon na para kumilos ang mga institusyong dapat nagtatanggol sa bayan, hindi sa iilang makapangyarihang opisyal.
Sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa pamahalaan, dalawang personalidad ang nagsalita para sa bayan. Si Anjo Yllana na nananawagan ng pagkilos laban sa katiwalian.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento