Sa kabila ng maiinit na kontrobersiya at pambabatikos na dala ng mga pahayag ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, ipinakita ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagpupursige na ipagpatuloy ang trabaho para sa mga Pilipino.
Kamakailan, bumisita ang Pangulo sa Negros Occidental upang personal na makita ang kalagayan ng mga pamilyang matinding naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Sa kanyang pagbisita, pinuntahan ni Marcos ang Jose Pepito Montilla Garcia Sr. National High School sa bayan ng Moises Padilla, kung saan maraming silid-aralan ang nalubog sa baha. Personal niyang kinausap ang mga guro, estudyante, at evacuees upang matukoy ang agarang pangangailangan ng mga residente.
“Tuloy pa rin ang trabaho, marami pa ang nangangailangan ng tulong. Hindi pwedeng huminto ang gobyerno kahit may mga batikos o isyu. Ang importante, maibalik sa normal ang buhay ng mga kababayan natin dito” -Pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Habang abala ang Pangulo sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, hindi rin siya nakaligtas sa patuloy na pambabatikos matapos ang mga pahayag ni Zaldy Co tungkol sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion scandal.
Sa kabila ng mga batikos, isyu, at intriga, pinatunayan ni President Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya aatras sa tungkulin bilang lider ng bansa. Ang kanyang pagbisita sa Negros Occidental ay simbolo ng dedikasyon sa serbisyo publiko at pagpapakita ng liderato sa panahon ng krisis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento