Naglabas ng panibagong pahayag si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co kaugnay ng kanyang mga rebelasyon laban sa 2025 budget insertion scandal, kung saan idinadawit niya sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez.
Sa kanyang bagong video statement, ibinunyag ni Co na wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas matapos umano siyang pagbantaan ng kanyang dating kaalyado, si Martin Romualdez.
“As early as March 2025, the Speaker hinted to me in our meeting that he will shoot me if I talk” - Zaldy Co
Ayon kay Zaldy, malinaw umano ang banta sa kanyang buhay at naniniwala siyang kung sakaling umuwi siya sa bansa, maaari siyang mapatay sa pamamagitan ng mga tinatawag niyang “rubout” o pagpatay na ginagawang mukhang aksidente.
Dagdag pa ni Co, matapos ang kanilang umano’y mainit na pag-uusap, muli raw siyang tinawagan ni Romualdez upang balaan na huwag na siyang umuwi sa Pilipinas.
“After telling me in a phone call, ‘don’t come home, he will take care of you,’ Speaker Martin called again and said it would be dangerous for me to go home Because they may hire someone to do a rubout on me or hire the police to kill me while in jail” - Zaldy Co
Sa parehong video, iginiit ni Co na wala siyang intensyong takasan ang batas, ngunit kailangan niya munang tiyakin ang kanyang kaligtasan bago humarap sa anumang imbestigasyon. Ayon sa kanya, handa naman siyang magsumite ng mga dokumento at ebidensya, ngunit ito ay gagawin niya lamang kapag nakatanggap siya ng tiyak na proteksyon mula sa international body o neutral na ahensya.
Matatandaang inanunsyo ng Office of the Ombudsman nitong mga nakaraang araw na handa nilang bigyan ng proteksyon si Co kung ito ay boluntaryong magpapakita at magsusumite ng salaysay sa tamang proseso. Ngunit hanggang ngayon, nananatiling nasa ibang bansa si Co, at ayon sa kanyang kampo, hindi pa rin siya kumbinsidong ligtas na bumalik.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento