Mariing pahayag ng Malacañang sa tila patuloy na pagbagsak ng tiwala ng mga mamamayan at investor sa bansa, bunsod ng mga isyung ibinabato nina dating kongresista Zaldy Co at Senadora Imee Marcos laban sa administrasyong Marcos.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, malaki ang pinsalang idinulot ng kanilang mga walang basehang pasabog na aniya’y “walang kwenta, at walang naidudulot kundi kaguluhan.”
“Naapektuhan po ang ating ekonomiya sa mga ingay ninyong walang ka kwenta-kwenta. Habang kami nagtatrabaho para itaas ang kabuhayan ng mga Pilipino, kayo naman ay puro ingay at intriga” -Atty. Claire Castro
Ayon sa Malacañang, ang mga negatibong pahayag nina Zaldy Co at Sen. Imee ay nagdulot ng pag-aalinlangan sa mga dayuhang mamumuhunan, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at patuloy na recovery ng bansa mula sa pandemya.
Dagdag ni Castro, ang paulit-ulit na paratang ng korapsyon, droga, at pamumulitika ay lumalayo sa tunay na layunin ng pamahalaan ang pag-angat ng ekonomiya. Ipinunto rin ng Palasyo na kahit walang pruweba ang mga akusasyon, malaki pa rin ang nagiging epekto nito sa imahe ng bansa.
Sa halip na tuloy-tuloy na batuhan ng akusasyon, nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa at kooperasyon. Ang patuloy na palitan ng paratang nina Sen. Imee Marcos at Zaldy Co laban sa administrasyon ay nagbubunga ng mas malalim na epekto sa bansa lalo na sa ekonomiya.
Ayon sa Malacañang, sa halip na tulungan ang gobyerno sa pagpapatatag ng ekonomiya, ay tila pinahihina ito ng mga walang basehang akusasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento