Sa gitna ng sunod-sunod na kontrobersya na bumabalot sa pamilya Marcos, naglabas ng matinding pagkadismaya si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos laban sa kanyang tiyahin, si Senadora Imee Marcos, matapos ang mga pasabog nitong akusasyon sa naganap na Iglesia Ni Cristo rally sa Maynila.
Sa isang opisyal na pahayag, inamin ni Sandro na labis siyang nasaktan at nadismaya sa mga binitawang salita ni Sen. Imee laban sa kanyang ama, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sa Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa kanya, hindi niya inasahan na aabot sa ganitong antas ang hidwaan sa loob ng kanilang pamilya.
“I have always acknowledged and respected the role my Tita, Senator Imee Marcos, played in the early part of my public life. That respect remains which is why this will be the first and last time I will be speaking on this. It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions.” -Sandro Marcos
Mariin ding itinanggi ni Sandro ang lahat ng alegasyon ni Sen. Imee, partikular ang mga akusasyon ng umano’y paggamit ng droga at katiwalian ng kanyang ama at ina. Ayon sa batang Marcos, ang ganitong mga pahayag ay hindi lamang nakasisira sa kanilang pamilya kundi sa buong bansa.
Dagdag pa niya, ang mga ganitong isyu ay malinaw na ginagawang armas sa politika upang sirain ang administrasyon. Bago matapos ang kanyang pahayag, nanawagan si Sandro Marcos ng pagkakaisa sa gitna ng kaguluhan. Sinabi niyang sa halip na magbatuhan ng paratang, mas mainam na magtulungan para sa kapayapaan at katotohanan.
Ang pagkadismaya ni Sandro Marcos sa kanyang tiyahin ay isa na namang patunay ng lalim ng alitan sa pamilyang Marcos. Mula sa dating simbolo ng “unity,” ang kanilang sigalot ay nagiging simbolo ng pagkawatak-watak ng kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento