Isang matapang na pahayag ang binitiwan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro laban kay Senador Imee Marcos, matapos nitong ipahayag sa publiko na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa panayam, ipinunto ni Castro ang tila pagiging “selective” ni Sen. Imee sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng droga, lalo na’t hindi umano nito kailanman binatikos si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na umamin sa paggamit ng marijuana at fentanyl noong panahon ng kanyang panunungkulan.
“Bakit siya masyadong concern ngayon about sa diumanong paggamit ng drugs? Samantala, ang dating Pangulong Duterte ay umamin nag-mariju*na at nag-fent*nyl. Hindi niya kinol-out.” - Claire Castro
Ayon kay Castro, hindi patas na tirahin ni Sen. Imee ang kasalukuyang Pangulo habang pinipili niyang manahimik sa mga kaparehong isyu noon. Binigyang-diin pa ng opisyal na ang ganitong asal ay nagpapakita ng hindi pagkakapareho ng pamantayan, lalo na’t parehong lider ng bansa ang sangkot.
Dagdag pa ni Castro, kung talagang layunin ni Sen. Imee na maglabas ng katotohanan, dapat ay magsimula siya sa pagiging konsistent at huwag gamitin ang isyu ng droga para sirain ang kanyang sariling kapatid.
Ang pahayag ni Claire Castro ay isang malinaw na depensa sa kasalukuyang Pangulo at sabay na puna sa “double standard” ni Sen. Imee Marcos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento