Advertisement

Responsive Advertisement

“MAY TAMANG PROSESO SA GANITONG SITWASYON” EAT BULAGA MANAGEMENT PAPALAGAN SI ANJO YLLANA, LEGAL NA AKSYON IHAHAIN

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 



Matapos ang sunod-sunod na pasabog ni Anjo Yllana laban sa Eat Bulaga management, nagsalita na si Ryan Agoncillo, isa sa mga pangunahing host ng programa.


Sa panayam ni MJ Marfori ng TV5 noong Nobyembre 19, sinabi ni Ryan na may ginagawang hakbang ang pamunuan ng Eat Bulaga upang tugunan ang mga paratang na ibinabato ni Anjo laban sa dating mga katrabaho at sa produksyon.


“Well, as far as I know, the management is taking the necessary steps. Further than that, I have no more comment. Ang mundo natin ngayon, eh, may karampatang action,” - Ryan Agoncillo


Bagama’t hindi nagbigay ng detalyeng legal, malinaw sa pahayag ni Agoncillo na hindi mananahimik ang Eat Bulaga management at handa silang ipagtanggol ang kanilang pangalan sa tamang paraan. Ayon pa sa kanya, hindi dapat basta maniwala sa mga akusasyon hangga’t walang malinaw na ebidensya o opisyal na pahayag mula sa pamunuan.


Ang isyu ay nagsimula matapos si Anjo Yllana ay maglabas ng ilang video kung saan binatikos niya ang Eat Bulaga management at ilang personalidad kabilang si Allan K at ang TVJ.


Ang isyu sa pagitan ng Eat Bulaga management at Anjo Yllana ay patuloy na lumalawak, ngunit nanindigan ang pamunuan ng programa na dadaan ito sa tamang proseso at hindi sa social media.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento