Ibinahagi ng singer na si Jake Zyrus ang kanyang plano na muling baguhin ang kanyang pangalan mula Jake patungong “Charles”, bilang pagbibigay-galang sa kanyang dating pagkatao bilang si Charice Pempengco. Sa isang panayam, sinabi ni Jake na ang “Jake Zyrus” ay kanyang screen name lamang, at hindi pa opisyal na legal name.
Ngunit kung sakaling dumating ang oras na kailangan niyang baguhin ito, mas gusto niyang gamitin ang “Charles” dahil mas malapit ito sa kanyang tunay na pangalan noon Charice at Charmaine.
“Jake Zyrus is only my screen name. I have not changed my legal name just yet.
Pero kung babaguhin ko siya, I kinda like ‘Charles’ because it’s closer to my original name, Charice and Charmaine” -Jake Zyrus
Ayon kay Jake, ang pagbabago ng pangalan ay hindi tungkol sa pagtanggi sa nakaraan, kundi pagbibigay-pugay sa lahat ng pinagdaanan niya bilang Charice. Inamin niya na malaki ang utang na loob niya sa panahong siya ay si Charice, dahil doon nagsimula ang kanyang tagumpay sa musika mula sa Ellen DeGeneres Show hanggang sa Glee.
Sa kabila ng mga reaksyon, nanindigan si Jake na hindi niya kailanman kinakalimutan ang mga taong naniwala sa kanya bilang Charice.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento