Itinanggi ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang opisyal na pahayag ng Malacañang na siya umano ay nagbitiw “out of delicadeza.”
Sa isang eksklusibong panayam, diretsahan niyang sinabi na hindi siya kusang nag-resign, kundi pinilit siyang magbitiw sa puwesto.
“Masarap pakinggan ‘yung out of delicadeza pero hindi naman totoo ‘yan. Hindi ako nag-resign,” - Lucas Bersamin
Ayon kay Bersamin, hindi niya matanggap ang pahayag ng Palasyo na pinalabas na siya raw mismo ang nagpasya na bumaba sa puwesto. Giit niya, may mas malalim na dahilan sa likod ng biglaang pag-alis niya sa posisyon, isang desisyong hindi niya ginusto, kundi ipinilit sa kanya.
Noong Lunes, naglabas ng opisyal na pahayag ang Malacañang na si Bersamin ay nag-resign “out of delicadeza” matapos umanong ma-involve ang kanyang pangalan sa ilang isyung administratibo. Ngunit sa pahayag ni Bersamin, mariin niyang itinanggi ito at sinabing hindi siya nagkasala, at wala siyang dahilan para magbitiw.
Bagaman hindi idinetalye ni Bersamin ang tunay na dahilan ng kanyang pagpapaalis, ilang insider mula sa Palasyo ang nagsasabing may tensyon sa pagitan niya at ng ilang miyembro ng gabinete.
Ang biglaang pag-alis ni Lucas Bersamin sa kanyang posisyon bilang Executive Secretary ay nagbukas ng mas malalim na tanong tungkol sa transparency at katapatan ng mga opisyal ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento