Advertisement

Responsive Advertisement

"HUMANDA SILA, I’M READY TO DEFEND MYSELF " EXECUTIVE SEC. LUCAS BERSAMIN HANDANG IPAGLABAN ANG SARILI SA MGA PARATANG NG MARCOS ADMINISTRATION

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 


Matapos madawit sa umano’y ₱100-bilyong budget insertions sa 2025 national budget, nagpahayag ng matinding determinasyon si dating Executive Secretary Lucas Bersamin na ipagtanggol ang kanyang pangalan at reputasyon.


Sa isang panayam, sinabi ni Bersamin na handa siyang lumaban at patunayan ang kanyang kawalang-kasalanan laban sa mga paratang.


“I’m ready to stand up and back my innocence. Huwag nilang siraan nang siraan ako humanda sila,” - Lucas Bersamin


Ayon sa kanya, matagal na niyang napansin ang mga coordinated attacks na tila naglalayong sirain ang kanyang integridad at palabasin siyang sangkot sa kontrobersiya.


Nilinaw din ni Bersamin na hindi siya nagbitiw out of delicadeza, taliwas sa pahayag ng Malacañang. Ibinahagi niya na noong Nobyembre 17, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang hindi pinangalanang opisyal na nagsabing kailangan na niyang bumaba sa pwesto.

Pagkatapos ng tawag, agad daw niyang inabisuhan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa kanyang pag-alis at iginiit na wala siyang tinatago o nilalabag na batas. Ang isyu ay nagsimula matapos isiwalat ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang umano’y malawakang kickback scheme sa flood control projects na umabot sa P100 bilyon.

Ang pahayag ni Lucas Bersamin ay nagpapakita ng determinasyon na ipaglaban ang kanyang pangalan sa gitna ng isa sa pinakamalalaking isyu ng korapsyon sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento