Matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Senadora Imee Marcos na gumagamit umano ng ilegal na droga ang Pangulo, naglabas ng saloobin si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at inihayag ang kanyang matinding pagkadismaya. Ayon sa kanya, hindi niya inaasahan na ang ganitong kasinungalingan ay manggagaling mismo sa loob ng pamilya, lalo na sa gitna ng kanyang pagsisikap na ayusin ang bansa sa gitna ng mga isyu ng korapsyon at pagbagsak ng ekonomiya.
“Nakakadismaya. Dismayado na umabot tayo sa ganitong kasinungalingan ang ginawa ng mismong kapatid ko” - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinuligsa ng Malacañang ang hamon ni Sen. Imee Marcos na sumailalim ang First Family sa hair follicle drug test, sa kabila ng mga ulat na nag-negatibo na si Pangulong Marcos sa anumang pagsusuri kaugnay ng droga. Ayon sa opisina ng Pangulo, malinaw na ang layunin ng panibagong hamon ay siraan ang imahe ng Pangulo at ng kanyang pamilya.
Binigyang-diin ng Pangulo na wala siyang dapat ipagtanggol dahil malinaw ang kanyang konsensya. Aniya, mas pinipili niyang magtrabaho kaysa patulan ang mga personal na intriga na walang basehan at walang maitutulong sa bayan.
Ang banggaan sa pagitan ng magkapatid na Marcos ay nagpakita ng isa sa mga pinaka-kontrobersyal na yugto sa kasalukuyang administrasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento