Sa gitna ng patuloy na kontrobersya sa pagitan nina Senator Imee Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagsalita si Sen. Panfilo “Ping” Lacson upang ipahayag ang kanyang pagkadismaya at awa sa Pangulo. Ayon sa kanya, hindi niya ma-imagine ang bigat ng dinadala ni Marcos Jr., matapos siyang lapastanganin ng sariling kapatid sa harap ng publiko sa gitna ng Iglesia ni Cristo anti-corruption rally.
“Hindi kami magkamag-anak, pero bilang tao, naawa ako sa kanya. Imagine the pain na pinagdadaanan niya makitang sariling kapatid ang bumabatikos sa kanya sa harap ng bayan” -Sen. Ping Lacson
Dagdag pa ni Ping, masakit man marinig ang mga akusasyon, lalo itong mabigat kung nanggagaling mismo sa pamilya. Aniya, kahit pa may mga hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya, dapat sana’y inaayos ito nang pribado, hindi sa mata ng publiko.
Ayon kay Lacson, hindi lamang si Pangulong Marcos ang nasasaktan sa ganitong eksena pati ang sambayanang Pilipino ay nadadamay. Sa halip na pagkakaisa at direksiyon, ang nakikita ng publiko ay gulo at bangayan, na lalo lamang nagpapahina sa imahe ng pamahalaan.
Sa gitna ng mga matitinding isyung bumabalot sa pamahalaan, nananawagan si Sen. Ping Lacson ng respeto at pagkakaisa. Para sa kanya, ang pamahalaan at pamilya ng Pangulo ay dapat magsilbing halimbawa ng disiplina, malasakit, at pagkakapatiran hindi ng bangayan at pagkasira.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento