Advertisement

Responsive Advertisement

"BILIB AKO SAYO BOY, MAS KORAP KA PA SA TATAY MO" DATING GOVERNOR CHAVIT SINGSON BINANATAN SI PANGULONG MARCOS

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 





Dating Gobernador Luis “Chavit” Singson muling nag-ingay sa social media matapos maglabas ng matapang na mensahe laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng mga isyu ng korapsyon na patuloy na lumalabas sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa isang panayam na kumakalat ngayon online, sinabi ni Singson na hindi siya makapaniwala na mas malala pa ang korapsyon sa kasalukuyang pamahalaan kumpara noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


“Bilib ako sa’yo boy, 21 years naging presidente ang tatay mo, 3 years ka palang naging presidente nilampasan mo na ang pagiging korap ng tatay mo.” - Chavit Singson


Ayon kay Singson, tila nasa dugo na ng pamilya Marcos ang katiwalian, at nakakalungkot daw isipin na kahit may pagkakataon na sana si Marcos Jr. na baguhin ang imahe ng kanilang pangalan, ay lalo pa umano nitong pinatindi ang problema ng korapsyon.


Ang matapang na mensahe ni Singson ay lumabas matapos ang mga rebelasyong inilabas ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co tungkol sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion na dawit diumano ang Pangulo at dating Speaker Martin Romualdez. Sa gitna nito, sinabi ni Singson na hindi na siya naniniwala sa mga palusot ng Malacañang, dahil ayon sa kanya, “kung walang basihan ang mga akusasyon, dapat ay transparent at bukas sa imbestigasyon ang administrasyon.”


Ang matapang na pahayag ni Chavit Singson ay nagpatunay na kahit mga dating kaalyado ng Marcos ay nagsisimula nang mawalan ng tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento