Isang makabagbag-damdaming paalala ang ibinahagi ni Willie Revillame sa publiko, na nagpaantig sa puso ng maraming netizens. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang lahat lalo na ang mga kabataan na bigyan ng oras at pagmamahal ang kanilang mga magulang habang may pagkakataon pa.
Ayon kay Willie, napapansin niya na sa panahon ngayon, maraming anak ang abala sa sarili nilang buhay sa trabaho, sa relasyon, o sa kanilang mga pangarap kaya madalas nakalilimutan nang bisitahin o kamustahin ang mga magulang.
“May mga anak ngayon na madaling makalimot. Binabalewala na lang ang magulang, tapos iiyak lang kapag wala na sila sa mundo. Hihingi ng sorry, pero huli na. Wala nang silbi ang pagsisisi kung hindi mo na kayang iparamdam ang pagmamahal habang buhay pa sila,” ayon kay Willie Revillame.
Dagdag pa ng TV host, hindi kailangang mamahaling regalo o malalaking bagay ang ibigay sa ating mga magulang. Ang simpleng oras, pagdalaw, o pagyakap ay sapat nang magbigay ng ligaya sa kanila.
“Ang gusto lang ng magulang ay maramdaman na hindi mo sila nalilimutan. Na kahit abala ka na, may puwang pa rin sila sa puso mo. Kasi darating ang panahon, wala ka nang tatawaging ‘Nanay’ o ‘Tatay’ at ‘yon ang pinakamasakit,” dagdag pa niya.
Ang kanyang mensahe ay nagdulot ng emosyonal na reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang napa-reflect at nagkomento na kailangan talaga pahalagahan ang oras habang may pagkakataon pa. Ang iba naman ay nagsabing natamaan sila dahil matagal na raw nilang hindi nakakausap ang kanilang mga magulang.
“Ang magulang, hindi mo kailangang intindihin kailangan mo lang silang pahalagahan. Dahil lahat ng sakit, pagod, at sakripisyo nila, ginawa nila para marating mo kung nasaan ka ngayon. Kaya habang may panahon pa, sabihin mo na sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Baka bukas, huli na.” - Willie Revillame

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento