Advertisement

Responsive Advertisement

"MAY HANGGANAN ANG FREEDOM OF EXPRESSION, MGA GANITONG SALITA PWEDE KITA IPAKULONG" SEC. REMULLA NAGBABALA POSIBLENG MAKULONG ANG MGA NANANAWAGAN NG “MARCOS RESIGN”

Martes, Nobyembre 18, 2025

 



Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa mga grupong nagsasagawa ng rally at nananawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos niyang sabihin na ang ganitong pahayag ay maaaring umabot sa antas ng “inciting to sedition.”


Ayon sa kalihim, bagama’t kinikilala ng Konstitusyon ang kalayaan sa pamamahayag, hindi ito nangangahulugang maaari nang gamitin ang karapatang ito upang mag-udyok ng kaguluhan o pag-aaklas laban sa gobyerno.


“That’s close to inciting to sedition, so i-investigate namin sila. Ang mga ganitong salita has no place in a civil society, may hangganan ang freedom of expression, mga ganitong salita pwede kitang ipakulong” - Sec. Boying Remulla

Paliwanag ni Remulla, hindi agad huhusgahan ang mga nagsasalita laban sa administrasyon, ngunit dapat silang imbestigahan upang matiyak na ang kanilang mga pahayag ay hindi lumalabag sa batas. Dagdag niya, ang DILG ay naninindigang pairalin ang rule of law at due process sa anumang aksyon.


Binigyang-diin din ng kalihim na ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi absolute. Aniya, ang anumang pahayag na maaaring magdulot ng kaguluhan, takot, o pag-atake sa pamahalaan ay maaaring pumasok sa ilalim ng sedition o rebellion laws.


Ang pahayag ni DILG Secretary Boying Remulla ay nagsisilbing paalala na ang demokrasya ay hindi nangangahulugang ganap na kalayaan mula sa pananagutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento