Advertisement

Responsive Advertisement

"STOP ACCUSING MY FATHER OF BEING A DRUG ADDICT, MAGKAISA NA PO LANG TAYO" SANDRO MARCOS NANAWAGAN NG PAGKAKAISA AT SUPPORTA PARA KAY PANGULONG MARCOS

Martes, Nobyembre 18, 2025

 


Sa gitna ng maiinit na kontrobersiya na kinakaharap ng administrasyong Marcos, nanawagan si House Majority Leader Sandro Marcos sa publiko na isantabi muna ang mga paratang at pag-aaway, at magkaisa para sa kapakanan ng bansa.


Ayon sa anak ng Pangulo, mas makabubuti sa sambayanang Pilipino kung magsasama-sama sa pagbangon at hindi sa pagpapalaganap ng paninira.


“Stop accusing my father of being a drug addict. Magkaisa na lang tayo, suportahan natin ang Pangulo. Kailangan niya ng suporta sa ganitong panahon, hindi panghuhusga.” - Sandro Marcos


Tinuligsa ni Sandro ang mga kumakalat na paratang hinggil sa umano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa kanya, ang mga ganitong isyu ay walang basehan at nakasisira lamang sa reputasyon ng bansa at sa kredibilidad ng liderato.


Nanawagan din si Sandro sa lahat ng Pilipino mula sa mga opisyal ng gobyerno hanggang sa karaniwang mamamayan na itigil ang politika ng pagkakahati at magtulungan para sa kapayapaan at pag-unlad ng bansa.


Sa kabila ng mga isyung kinahaharap ng administrasyong Marcos, nanatiling positibo at mapayapa ang panawagan ni Sandro Marcos sa sambayanang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento