Diretsahang binitawan ni veteran columnist Mon Tulfo ang kaniyang matinding opinyon laban kay Senadora Imee Marcos, na aniya’y “sumira sa pagsisikap” ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ayusin ang pangalan ng kanilang pamilya.
Sa gitna ng mga kontrobersiya tulad ng ₱100-bilyong budget insertion scandal at dr*g-use allegations, sinabi ni Tulfo na tila unti-unting nabubuwag ang tiwala ng publiko sa pamilyang Marcos hindi dahil sa mga kalaban, kundi dahil mismo sa loob ng kanilang hanay.
“Nasira ’yung pangalang Marcos. Akala ko maisasalba ni Bongbong ang reputasyon nila, pero mas lalong sinira nung pumunta sa entablado si Imee at nagsalita laban sa kapatid niya.” -Mon Tulfo
Ayon kay Tulfo, matagal nang sinusubukan ni Pangulong Bongbong Marcos na maibalik ang tiwala ng publiko sa kanilang pamilya matapos ang mga isyung iniwan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ngunit aniya, ang mga pahayag ni Senadora Imee Marcos sa publiko kabilang na ang pag-amin umano sa paggamit ng dr*ga ni PBBM ay naging malaking dagok sa planong reporma ng Pangulo.
Sa mga pahayag ni Mon Tulfo, malinaw ang mensahe: ang kredibilidad ng administrasyong Marcos ay unti-unting nasisira mula sa loob mismo ng pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento