Sa patuloy na imbestigasyon sa kontrobersyal na ₱100 bilyong budget insertion sa 2025 General Appropriations Act, isinangkot ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si dating Executive Secretary Lucas Bersamin bilang mastermind umano ng anomalya.
Ayon kay Lacson, lumalabas sa mga pahayag ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na si Bersamin ang totoong nakinabang sa nasabing pondo, at ginamit lamang ang pangalan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. upang maisakatuparan ang transaksyon.
“Napunta lahat kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang ₱100 bilyon na inisert ni Zaldy Co. Ginamit niya ang pangalan ng Pangulo para mapaniwala si Co na ito ay direktang utos ng Presidente.” - Sen. Ping Lacson
Ayon sa senador, nagkaroon ng misrepresentation kung saan ipinangalan kay Pangulong Marcos ang naturang budget insertion upang mapadali ang pag-apruba nito sa bicameral conference committee (bicam).
Dagdag pa ni Lacson, si Bersamin umano ang nagmaniobra sa lahat ng dokumento na may kinalaman sa pondo, habang si Zaldy Co naman ang ginamit na “frontman” upang maisingit ang halagang ₱100 bilyon.
Nilinaw din ni Lacson na walang direktang kinalaman si Pangulong Marcos Jr. sa isyu. Anya, biktima lamang siya ng maling paggamit ng kanyang pangalan ng mga nasa paligid niya na may sariling interes.
Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya sa ₱100 bilyong budget insertion, lumalalim ang usapin ng katiwalian sa loob mismo ng pamahalaan. Ayon kay Sen. Ping Lacson, malinaw na hindi si Pangulong Marcos ang utak ng anomalya, kundi si dating Executive Secretary Lucas Bersamin na umano’y ginamit ang pangalan ng Pangulo para sa pansariling pakinabang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento