Advertisement

Responsive Advertisement

"KAILANGAN NATIN NG MALAKING KULUNGAN, BAKA HINDI NA SILA MAGKASYA "OMBUDSMAN REMULLA SASAMPAHAN NG KASO SI DATING EXECUTIVE SEC. LUCAS BERSAMIN

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 



Nagpahayag ng matapang na babala si Ombudsman Boying Remulla matapos kumpirmahin na magsasampa siya ng kasong “conspiracy to commit plunder” laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa ₱100 bilyong budget insertion.


Ayon kay Remulla, kabilang sa mga isasailalim sa kaso ang nag-resign na Executive Secretary Lucas Bersamin, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Undersecretary Adrian Bersamin. Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na may sabwatan umano para ilihis ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng mga proyekto sa ilalim ng bicameral conference committee (Bicam).


“Ito na ang pinakamalaking kaso ng korapsyon sa kasalukuyang administrasyon. Hindi ito simpleng anomalya, ito ay sistematikong pandarambong sa kaban ng bayan.” -Ombudsman Remulla


Ayon sa Ombudsman, nakalap ng kanilang tanggapan ang mga dokumento at bank records na nag-uugnay sa mga opisyal sa umano’y iligal na transaksyon.


Pinaniniwalaang ang ₱100 bilyong pondo ay ginamit sa mga “ghost projects” at redirected funds na hindi dumaan sa tamang proseso ng Kongreso.


Dagdag ni Remulla, ang pagkakabuking ng mga transaksyon ay bunga ng whistleblower testimony at mga dokumentong isinumite ng dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na una nang nagsiwalat ng isyu sa publiko.


Mariing binigyang-diin ni Remulla na walang sinuman, gaano man kataas ang posisyon, ang makakaligtas sa batas. Anya, ang hustisya ay para sa lahat at kahit mga dating opisyal ng Malacañang ay dapat harapin ang proseso ng batas.


Ang hakbang ni Ombudsman Boying Remulla ay nagpapakita ng seryosong intensyon ng pamahalaan na panagutin ang mga sangkot sa korapsyon, kahit pa ito’y kabilang sa pinakamataas na antas ng gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento