Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG SERYOSO SIYA SA KANYANG MGA PARATANG, BUMALIK SIYA SA PILIPINAS" MALACAÑANG HINDI TATANGGAPIN ANG VIDEO NI ZALDY CO BILANG EBIDENSYA SA KORTE

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 



Mariing sinabi ng Malacañang na hindi tatanggapin sa korte ang video message ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na naglalaman ng mga akusasyon kaugnay sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion.


Ayon sa Malacañang kulang ang legal na basehan ng naturang video para ito’y tanggapin bilang ebidensya sa anumang imbestigasyon o kaso. Paliwanag nito, ang isang video statement ay dapat pinanumpaan (under oath) at may kasamang orihinal na kopya upang mapatunayan ang pagiging tunay at hindi ito inedit o pinutol.


“Hindi magiging katanggap-tanggap sa korte ang video message ni Zaldy Co kung ito ay walang panunumpa at hindi kumpleto. Kung seryoso siya sa kanyang mga paratang, bumalik siya sa Pilipinas Kailangan din nating tiyakin na untampered at authenticated ito bago tanggapin bilang ebidensya.” -Malacañang


Ipinaliwanag ng Malacañang na ayon sa Rules on Electronic Evidence, dapat matukoy ang kumuha ng video at mapatunayan na ito ay totoo, buo, at walang edit. Kung ang video ay “cut” o pinutol sa iba’t ibang bahagi, maaaring hindi ito tanggapin ng hukuman dahil posibleng manipulahin o tanggalin ang ilang mahahalagang bahagi ng konteksto.


Nagpaalala rin ang Malacañang sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na video o mensaheng walang kasamang opisyal na dokumento o panunumpa. Mahalagang kilalanin ang pagitan ng impormasyon at propaganda, lalo na kung ang layunin ay manira ng reputasyon ng mga opisyal ng gobyerno.


Sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa ₱100 bilyong budget insertion issue, nanindigan ang Malacañang na hindi sapat ang mga pahayag ni Zaldy Co sa social media upang magsilbing basehan ng kaso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento