Labis ang saya at pagpapakumbaba ni Finance Secretary Ralph Recto matapos italaga bilang bagong Executive Secretary, kapalit ni Lucas Bersamin na nagbitiw kamakailan sa gitna ng kontrobersiya sa ₱100-bilyong budget insertion. Bagama’t abala pa si Recto sa Senate plenary debates para sa panukalang ₱6.793-trillion national budget para sa susunod na taon, tiniyak niya na handa siyang gampanan ang bagong tungkulin.
Ayon kay Recto, bagaman hindi pa siya personal na nakakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa appointment, malinaw na ang kanyang adbokasiya palakasin ang integridad at kahusayan ng pamahalaan.
“Ang tungkulin ng Executive Secretary ay hindi para protektahan ang mali, kundi para tiyakin na maayos ang takbo ng gobyerno. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang tiwala ng taumbayan.” - Ralph Recto
Tinanong si Recto hinggil sa pagbibitiw ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na nadawit sa umano’y anomalya sa budget insertions. Nilinaw ni Recto na hindi niya tinitingnan ito bilang pag-amin ng kasalanan, kundi isang hakbang para bigyang-laya ang mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon.
Ang pagtatalaga kay Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary ay nagbubukas ng bagong yugto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento