Advertisement

Responsive Advertisement

“KUNG TUTUUSIN BIKTIMA ANG PANGULO DITO, KAHIT PISO WALANG NAPUNTA SA KANYA” SEN. PING LACSON KINUMPRIMA TOTOO ANG ₱100 BILLION INSERTION, WALANG KINALAMAN ANG PANGULO

Miyerkules, Nobyembre 19, 2025

 



Kinumpirma ni Sen. Ping Lacson ang pag-iral ng ₱100-bilyong budget insertion sa 2025 General Appropriations Act (GAA), ngunit iginiit ng senador na walang direktang kinalaman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing anomalya. Ayon kay Lacson, ginamit lamang ang pangalan ng Pangulo ng ilang indibidwal sa gobyerno upang maisakatuparan ang umano’y budget maneuvering sa Bicameral Conference Committee (Bicam).


“Kung tutuusin biktima ang pangulo dito, kahit piso walang napunta sa kanya. May mga taong ginagamit ang pangalan ng Pangulo. Ginagawa nila ito para makalusot ang mga budget insertion pero hindi alam ng Pangulo. Siya ay biktima rito, hindi kasabwat.” - Sen. Ping Lacson


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Ping na ang Pangulo ay malinaw na walang kinalaman sa kickback scheme. Ayon sa kanya, ang ilang opisyal sa loob ng pamahalaan ang gumamit sa pangalan ni Marcos upang kumbinsihin si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na ipasok ang naturang pondo sa Bicam.


Inilahad din ni Ping na may mga indibidwal sa loob ng Malacañang na nagsagawa ng “name-dropping” upang makakuha ng pondo mula sa DPWH at iba pang ahensya. Sinabi niyang ito ang dahilan kung bakit nagiging masalimuot ang isyu dahil ang mga taong ito ay nagpapanggap na kumikilos sa ngalan ng Pangulo.


Hinimok ng senador ang mga ahensya ng pamahalaan, lalo na ang Office of the Ombudsman at COA, na kumilos agad upang masampahan ng kaso ang mga tunay na sangkot. Sa kabila ng bigat ng isyung kinahaharap ng administrasyon, malinaw ang paninindigan ni Sen. Ping Lacson, biktima si Pangulong Marcos at hindi utak ng anomalya.

1 komento:

  1. Tama tuloy lng imbestigasyon at SANA naman totoo ang sabi ninyo na may magpapasko sa kulungan, isama lahat pati mga naninira ng walang katibayan

    TumugonBurahin