Sa gitna ng patuloy na pag-ugong ng alegasyon ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co hinggil sa umano’y budget insertions at korapsyon sa flood control projects, tumindig si DPWH Secretary Vince Dizon upang ipagtanggol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Dizon, walang basehan ang mga paratang ni Co dahil mismong si Marcos Jr. ang nag-utos ng imbestigasyon, isang hakbang na hindi gagawin ng sinumang “involved” sa katiwalian.
“Kung involved ka, bakit ikaw mismo ang magpapasabog? Bakit mo ibubuo ang isang independent commission?” - Sec. Vince Dizon
Nilinaw ni Dizon na malayo ang Pangulo sa anumang uri ng anomalya at sa halip ay nagsisilbing tagapag-ayos ng sistema. Ayon sa kanya, ipinakita ng Pangulo ang malinaw na intensyon para sa transparency at accountability sa pamamagitan ng pagsasagawa ng independent investigation sa loob mismo ng pamahalaan.

Hinimok ni Dizon ang publiko na maging maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon lalo na kung galing sa mga taong may pansariling interes sa politika. Sa gitna ng mga kontrobersiya, malinaw ang paninindigan ni Secretary Vince Dizon, hindi mastermind si Pangulong Bongbong Marcos, kundi isang lider na bukas sa imbestigasyon at reporma.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento