Muling naging usap-usapan si Atty. Vic Rodriguez, dating Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos maglabas ng diretsahang pahayag laban sa kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Rodriguez, hindi na raw kailangan ng sinumang kalaban upang pabagsakin ang gobyerno dahil ang mismong korapsyon at katiwalian sa loob ng administrasyon ang sumisira dito.
“Corruption is destabilization. Hindi kailangan ng coup o kudeta para pabagsakin ang gobyerno sapat na ang mga kurap sa loob para sirain ito,” -Atty. Vic Rodriguez
Binigyang-diin ni Rodriguez na ang tiwala ng publiko ang tunay na pundasyon ng gobyerno, at ito’y unti-unting nasisira dahil sa paulit-ulit na isyu ng katiwalian at kakulangan sa pananagutan. Dagdag pa niya, dapat magsilbing babala sa Pangulo ang mga natuklasang anomalya sa mga proyekto at pondo.
Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Rodriguez na ang tinatawag na destabilization plots ay hindi laging gawa ng mga kalaban ng gobyerno. Aniya, ang mas delikadong destabilization ay ‘self-inflicted’ ang pagkasira mula sa loob ng sistema dahil sa maling pamamalakad at kawalan ng integridad.
Ang pahayag ni Atty. Vic Rodriguez ay isang matapang na paalala na ang kapangyarihan ng gobyerno ay nakasalalay sa tiwala ng mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento