Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MAY SEKRETO KANG ALAM TUNGKOL SA ISANG TAO NA PWEDENG IKASISIRA, MABUTING ITIKOM ANG BIBIG "VIC SOTTO, NAGPAYO TUNGKOL SA PAGBIGAY RESPETO SA KAPWA

Miyerkules, Nobyembre 5, 2025

 



Nagbigay ng makabuluhang paalala si Vic Sotto sa gitna ng patuloy na pag-uusap sa social media tungkol sa isyu sa pagitan ni Sen. Tito Sotto at Anjo Yllana. Sa kanyang mensahe, pinayuhan ni Vic ang publiko at tila pati na rin ang mga taong kasangkot sa kontrobersiya na matutong manahimik kung ang salita ay makasisira sa kapwa.


Ayon kay Vic, “Kung may sekreto kang alam tungkol sa isang tao na alam mong ikasisira niya, better keep it than broadcast it. Never mong ikauunlad ang pagkakalat ng pagkakamaling nagawa ng iba. Their mistakes will never be your success.”


Bagama’t hindi direkta niyang binanggit ang mga pangalan, marami ang nakapansin na tila tumatama ang mensaheng ito sa isyu ng dating Eat Bulaga! host na si Anjo Yllana at ng kanyang dating co-host na si Sen. Tito Sotto.


Matatandaang naging mainit ang pangalan ni Anjo matapos niyang banggitin sa isang live stream na handa siyang “ibunyag” ang umano’y mga isyung personal laban kay Sotto bagay na kalaunan ay sinabi niyang “bluff” lamang. Sa gitna ng mga kontrobersiyang iyon, tahimik lamang si Vic Sotto at Joey de Leon, na kapwa bahagi ng iconic trio ng TVJ (Tito, Vic, and Joey).


Para sa mga tagasubaybay, malinaw na ang mensahe ni Vic ay paalala tungkol sa respeto, integridad, at kababaang-loob. Sa halip na pag-usapan o ipakalat ang pagkakamali ng iba, mas mainam umano na pairalin ang katahimikan at pag-unawa.


“Hindi ako pumapanig kanino man. Pero kung may hindi pagkakaunawaan, mas mabuting ayusin ‘yan nang pribado. Ang salita, kapag nasabi na, hindi mo na mababawi. Kaya bago magsalita, isipin mo muna kung makabubuti ba ito sa iba o makasisira.” - Vic Sotto


Sa halip na magsalita nang walang ingat, mas mainam ang pagrespeto, katahimikan, at pag-ayos sa pribadong paraan. Tulad ng paalala ni Bossing Vic, ang tunay na tagumpay ay hindi nakukuha sa pagbagsak ng iba, kundi sa pagpapanatili ng dignidad kahit sa gitna ng sigalot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento