Mainit na muling sumiklab ang iringan sa pagitan ng kampo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte matapos ang matapang na pahayag ng Bise Presidente laban sa aniya’y “insecure at sakim” na pamahalaan.
Kasunod nito, agad na naglabas ng tugon ang Malacañang.
Bilang tugon, sinabi ni Undersecretary Claire Castro na hindi dapat magmalinis si VP Sara dahil marami rin umanong isyu ng korapsyon at kakulangan sa pondo ang nadiskubre noong siya pa ang pinuno ng Department of Education (DepEd).
“Insecure kalang, huwag magmalinis ang hindi malinis. Huwag magpakabayani ang hindi bayani” -Atty. Claire Castro
Dagdag pa ni Castro, mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nagpasimula ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, isang bagay na hindi umano ginawa noong nakaraang administrasyon, kahit pa maraming “ghost projects” na nadiskubre noon.
“Si Pangulong Marcos Jr. ang nanguna sa pagpapaimbestiga ng mga anomalya, hindi tulad ng nakaraang pamahalaan. Kung may dapat magsuri sa sarili, si VP Sara iyon.” - Atty. Claire Castro
Pinaalalahanan din ng Malacañang ang publiko na sa ilalim ni VP Sara, ang DepEd ay nalugmok sa isyu ng “ghost students,” “ghost food packs,” at paggamit ng confidential funds mga alegasyong hindi pa rin lubusang naipapaliwanag. Ayon kay Castro, kung tunay na nananawagan si Duterte ng transparency at accountability, dapat muna niyang harapin ang mga isyung ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento