Ipinahayag ng Espera Law Office na kanilang sampahan ng reklamo ang kampo ni Senador Rodante Marcoleta at ang kanyang witness na si Orly Guteza, matapos umanong gamitin ang pekeng pirma at notaryo ng kanilang opisina sa mga falsified legal documents na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee. Ayon sa pahayag ng abogado, malinaw na nilabag ng kampo ni Marcoleta ang batas laban sa pamemeke ng mga opisyal na dokumento, isang krimen na may kaukulang parusa sa ilalim ng Revised Penal Code.
“Hindi ito basta pagkakamali, ito ay sinadyang panlilinlang. Ang aming opisina ay ginamit nang walang pahintulot, at ang aming pirma ay pineke upang makabuo ng dokumentong peke. Hindi kami papayag na manahimik.” - Atty. Petchie Rose Espera
Batay sa ulat ng Espera Law Office, ang kanilang pangalan, notaryo, at pirma ay ginamit sa mga pekeng affidavit na ipinasa ng kampo ni Marcoleta sa Senate Blue Ribbon Committee hearing. Ang nasabing mga dokumento ay ginamit bilang bahagi ng “ebidensya” sa isang imbestigasyon, ngunit kalaunan ay natuklasan na hindi ito lehitimo at walang pahintulot mula sa law firm.
Kinumpirma ng Espera Law Office na ihahain nila sa Department of Justice (DOJ) ang mga kasong Falsification of Public Documents, Use of Falsified Documents, at Obstruction of Justice laban sa mga sangkot.
Ang hakbang ng Espera Law Office ay isang paalala na ang batas ay hindi dapat ginagamit bilang sandata ng mga makapangyarihan. Ang paggamit ng pekeng legal documents ay hindi lamang krimen kundi isang insulto sa sistemang hustisya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento