Isang matapang at diretsahang pahayag ang ibinato ni political analyst Malou Tiquia laban kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, matapos nitong magbigay ng mga komento na aniya’y walang respeto at kulang sa tamang asal bilang tagapagsalita ng Malacañang. Ayon kay Tiquia, tila mas magaling sa bastusan kaysa sa datos si Castro, lalo na sa mga usaping pambansa na nangangailangan ng katumpakan at diplomatikong pakikitungo.
“Hindi ito laban ng personalidad, ito ay laban ng asal. Kung ikaw ay mukha ng Malacañang, dapat marunong kang gumalang at magsalita ng may dignidad. Hindi puro sigaw at insulto.” -Malou Tiquia
Binanggit ni Tiquia na ang asal ni Usec. Castro ay maaaring makasira sa imahe ng Malacañang, dahil sa paraan nito ng pakikitungo sa kapwa opisyal at sa media. Aniya, ang posisyon ni Castro ay hindi para sa mga taong padalos-dalos o pabigla-bigla sa pananalita, kundi para sa mga opisyal na may balanseng pag-iisip at respeto sa institusyon.
Giit ni Tiquia, dapat ay maging modelo ng propesyonalismo at katotohanan ang mga tagapagsalita ng gobyerno. Ngunit aniya, tila mas pinipili ni Usec. Castro na pumasok sa mga personalan at maaanghang na palitan, imbes na tumutok sa tamang datos at isyu ng bansa.
Ang komento ni Malou Tiquia laban kay Atty. Claire Castro ay nagbukas muli ng diskusyon sa kahalagahan ng propesyonalismo at respeto sa pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento