Matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Senadora Imee Marcos na nagsabing gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tinitingnan na ngayon ng Office of the Ombudsman kung ano ang maaaring isampang kaso laban sa kanya.
Ayon sa isang insider mula sa Ombudsman, pinag-aaralan na ang legal na basehan ng mga akusasyon ni Sen. Imee, lalo na’t nagdulot ito ng malaking dagok sa imahe ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa ulat, kasalukuyang sinusuri ng Ombudsman kung ang mga pahayag ni Sen. Imee ay maituturing na “defamation” o “malicious political destabilization.” Bukod dito, tinitingnan din kung may paglabag ito sa Code of Conduct for Public Officials, dahil bilang isang opisyal ng gobyerno, may obligasyon siyang panatilihin ang respeto sa mga institusyon ng estado at sa opisina ng Pangulo.
Ayon sa parehong source, may kumpirmasyon umanong nagmula sa loob ng Palasyo na handa na si Pangulong Marcos na ipa-imbestigahan mismo ang kanyang kapatid. Lumabas ang ulat na isa si Sen. Imee sa mga posibleng maaresto bago sumapit ang Kapaskuhan, kasabay ng iba pang mga opisyal na iniimbestigahan kaugnay ng mga isyu ng korapsyon at destabilization.
Ang pahayag ni Sen. Imee ay nagdulot ng matinding gulo sa loob mismo ng administrasyon at sa hanay ng mga Marcos loyalists. Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya, tila lumalalim ang bitak sa pagitan ng magkapatid na Marcos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento