Matapang na pahayag ang binitawan ng social media personality na si Krizette Chu matapos niyang batikusin ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa umano’y selective justice o pagpili lamang ng mga pinaparusahan sa mga kasong may kinalaman sa katiwalian.
Sa kanyang viral na post sa social media, hindi napigilan ni Chu ang maglabas ng saloobin matapos mapansin umano ang tila kawalan ng pantay na pagtrato sa mga kasong plunder o pandarambong na isinasampa ng gobyerno.
Ani ni Krizette Chu, tila pinipili lang ng pamahalaan ang mga kakasuhan, habang ang iba lalo na ang mga may mataas na posisyon sa gobyerno ay tila hindi man lang tinatablan ng batas.
“Yung gobyernong ’to kakasuhan lahat ng plunder except ’yung pinaka-deserve sa lahat si Martin Romualdez,” matapang na pahayag ni Chu.
Ayon pa sa kanya, kung tunay na umiiral ang hustisya sa bansa, dapat ay patas ang laban para sa lahat, anuman ang kanilang posisyon, yaman, o koneksyon sa mga nasa kapangyarihan.
Binigyang-diin din ni Chu na dapat managot ang lahat ng sangkot sa korapsyon, hindi lamang ang mga kalaban ng administrasyon, kundi pati ang mga malapit dito.
“Kung tunay tayong laban sa korapsyon, dapat walang pinipili. Ang hustisya, hindi dapat nakakakita ng kulay o koneksyon,” dagdag ni Chu sa kanyang post.
Dahil sa kanyang pahayag, umani ng iba’t ibang reaksyon ang post ni Krizette sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa kanyang paninindigan, sinasabing matagal nang nangyayari ang ganitong uri ng selective justice, habang ang ilan naman ay nagsabing dapat may konkretong ebidensya bago magbitiw ng matinding paratang laban sa mga nasa pwesto.
Ang matapang na pahayag ni Krizette Chu ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa pantay na hustisya at pananagutan sa gobyerno. Habang sinisikap ng administrasyon na ipakita ang kampanya laban sa katiwalian, maraming mamamayan ang patuloy na nagbabantay upang masiguro na hindi ito nagiging sandata laban lamang sa mga kalaban sa politika.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento