Matapang na nagsalita si Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay ng umano’y trilyong pisong anomalya sa flood control projects ng kasalukuyang administrasyon. Ayon sa beauty queen at advocate, panahon na para managot ang mga tiwaling opisyal at magtanong ang taumbayan kung bakit tila walang nangyayaring progreso sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Catriona na ang gobyerno ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng mga mamamayan, ngunit ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao, ang mga Pilipinong bumoboto, nagbabayad ng buwis, at nagtataguyod ng katotohanan.
“We need to remember the government has the power to change our lives, but we have the power to change the government,” ani ni Catriona.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng mga lumalabas na ulat ng katiwalian sa ilang proyekto ng pamahalaan, kabilang na ang flood control projects na umano’y may trilyong pisong pondo ngunit kulang sa aktwal na resulta.
Para kay Catriona, hindi sapat ang mga salita at pangako mula sa mga lider kailangang may tunay na accountability. Dagdag pa niya, bilang mga mamamayan, dapat nating gamitin ang ating boses, boto, at kamalayan upang managot ang mga nasa posisyon.
Ang beauty queen ay kilala sa kanyang advocacy for youth empowerment, transparency, at nation-building, at madalas niyang ginagamit ang kanyang platform upang ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng pagkilos at paninindigan.
Sa gitna ng mga isyu ng korapsyon at kawalan ng hustisya, si Catriona Gray ay muling nagpaalala na ang pagbabago ay hindi lamang nakasalalay sa gobyerno, kundi sa taong bayan mismo. Ang kanyang mensahe ay malinaw, walang maipagmamalaking “Bagong Pilipinas” kung ang mga nasa kapangyarihan ay hindi tapat sa kanilang tungkulin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento