Advertisement

Responsive Advertisement

“TOTOONG MAY HIMALA, NAIGAGALAW KO NA YUNG LEEG KO” ATE GAY, IPINAGPASALAMAT ANG PAGKAWALA NG BUKOL SA LEEG MATAPOS ANG RADIATION THERAPY

Biyernes, Oktubre 24, 2025

 



Isang nakakaantig na balita ang ibinahagi ng komedyante na si Ate Gay matapos niyang i-update ang kanyang mga tagasuporta tungkol sa kanyang laban sa stage 4 cancer. Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi niya ang magandang balita na halos tuluyan nang nawala ang malaking bukol sa kanyang leeg, isang buwan lamang matapos siyang sumailalim sa radiation therapy.


“May himala kasi wala na ‘yung bukol. Nagugulat din ‘yung mga nagre-radiation, bakit ang bilis. Wala na ring bleeding at naigagalaw ko na ‘yung leeg ko,” sabi ni Ate Gay.


“Noong una, inisip ko na baka ito na ‘yung katapusan ko. Pero hindi pala ito pala ‘yung simula ng panibagong buhay. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord at sa lahat ng nagdasal para sa akin. Totoo, may himala. At ako mismo, buhay na patunay niyan.” dagdag nito.


Ayon kay Ate Gay, siya ay na-diagnose ng nasopharyngeal carcinoma, isang uri ng cancer na tumutubo sa likod ng ilong at lalamunan. Ang naturang sakit ay nagdulot ng parotid tumor o bukol sa kanyang leeg, dahilan upang maapektuhan ang kanyang pandinig, pagsasalita, at paggalaw.


Ngunit sa kabila ng lahat ng hirap, pinatunayan ni Ate Gay na ang pananampalataya at determinasyon ay tunay na nakakagawa ng himala. Sa kanyang post, buong pusong ibinahagi niya ang pasasalamat sa Diyos at sa mga taong hindi bumitaw sa kanya sa panahon ng pagsubok.


Dagdag pa niya, hindi niya akalaing ganito kabilis ang epekto ng gamutan, at patuloy siyang humihingi ng panalangin mula sa publiko upang tuluyan na siyang gumaling.


Maraming netizen at kapwa artista ang agad na nagpahayag ng tuwa at pasasalamat sa magandang balita. Ang ilan ay nagkomento na “answered prayer” umano ito at inspirasyon si Ate Gay sa mga taong kasalukuyang nakikipaglaban din sa sakit.


Ang kwento ni Ate Gay ay isang paalala ng pag-asa at pananalig sa gitna ng karamdaman. Sa kabila ng mga panahong tila wala nang liwanag, ipinakita niya na ang pananampalataya, positibong pag-iisip, at suporta ng mga mahal sa buhay ay makapangyarihang sandata laban sa kahit pinakamalalang sakit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento