Kamakailan lamang ay nasunog ang isang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City, na agad umani ng iba’t ibang espekulasyon sa publiko. Marami ang naghinala na ito ay sinadya upang sirain ang mga dokumentong maaaring magamit bilang ebidensya sa mga imbestigasyong kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
“Gusto naming linawin sa publiko na ligtas ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa mga imbestigasyon. Hindi namin papayagan na sirain ng sunog o ng sinuman ang ebidensya laban sa katiwalian. Ang katotohanan ay hindi kailanman masusunog.”
Subalit nilinaw ng Marcos administration at ng DPWH mismo na walang nasunog o nadamay na dokumento na may kaugnayan sa mga kasalukuyang imbestigasyon. Ayon sa kanila, agad na nailikas ang mga mahahalagang papeles bago pa man lumaki ang apoy.
Sa opisyal na pahayag ng DPWH, sinabi ng ahensya na ligtas ang lahat ng dokumentong ginagamit sa mga ongoing cases. “Safe po ang mga dokumento na pwedeng gamiting ebidensya para makulong yung mga maysala"
Dagdag pa rito, tiniyak ng pamahalaan na may masusing imbestigasyon nang isinasagawa upang malaman kung ang sunog ay aksidente o sinadyang gawin. Nagsimula na ang koordinasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin ang tunay na dahilan ng insidente.
Habang patuloy ang imbestigasyon, nanindigan ang Marcos administration na hindi nila hahayaang masira ang tiwala ng publiko sa proseso ng imbestigasyon at hustisya. Ipinangako nilang magiging transparent at patas ang paghawak sa kaso, at sisiguraduhing walang makalulusot kung may mapatunayang sangkot sa anomalya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento