Umani ng matinding galit mula sa publiko ang social media content creator na si Prince Umpad matapos siyang akusahan ng pananamantala sa kahirapan ng iba para lamang kumita. Ayon sa reklamo ng isang taong nagngangalang Juan Dela Cruz, si Umpad ay gumawa ng isang pekeng fundraising campaign gamit ang pangalan ng isang charity project na hindi kanya at ginawa ito nang walang pahintulot mula sa orihinal na may-ari.
“Estudyante ko yung batang ginamit niya para perahan. Hindi ko hahayaang may pang ibang tao pang malinlang tulad ng nangyari sa amin. Ang tulong ay dapat galing sa puso, hindi sa kasinungalingan. Ang paggamit ng kahirapan ng iba para sa pansariling interes ay hindi kailanman dapat palampasin.” -Juan Dela Cruz
Ayon sa testimonya ni Juan Dela Cruz, ang fundraising na inilunsad ni Prince ay ipinresenta bilang isang charity para sa mga mahihirap at nangangailangan, ngunit kalaunan ay natuklasang ang malaking bahagi ng nakalap na pera ay hindi napunta sa mga dapat nitong mapuntahan.
Ang mas ikinagalit ng marami ay ang paggamit umano ni Umpad ng mga larawan at kwento ng mga taong nasa kahirapan upang makaantig ng damdamin ng publiko at makalikom ng pera na sa huli ay napunta umano sa kanyang sariling bulsa.
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginawa ni Umpad, na dati ay kilala bilang isa sa mga nagbibigay-inspirasyon sa social media. Sa halip na purihin, ngayon ay binabatikos siya ng publiko at tinatawag na "manloloko" at "mapagsamantala."
Ayon kay Juan Dela Cruz, pinag-iisipan niyang magsampa ng reklamo laban kay Prince Umpad para sa fraud at misrepresentation. Kung mapatunayang totoo ang mga paratang, maaari itong humantong sa kasong kriminal dahil sa pandaraya at maling paggamit ng pondo ng publiko.
Ang kaso ni Prince Umpad ay nagsisilbing paalala sa lahat ng netizens: hindi lahat ng nakikitang “charity” online ay tunay. Sa panahon ngayon kung saan mabilis kumalat ang impormasyon, kailangang maging mapanuri sa bawat kampanya at tiyaking may malinaw na patutunguhan ang ating mga donasyon. Ang tunay na pagtulong ay hindi kailanman ginagamit para sa pansariling pakinabang ito ay dapat ginagawa nang may integridad at tunay na malasakit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento