Advertisement

Responsive Advertisement

KWENTO NG KATATAGAN: SI CHANCE, ANG ASONG HINDI SUMUKO SA LABAN KONTRA CANCER

Biyernes, Oktubre 3, 2025

 



Isang nakakaantig na kuwento ng pag-asa at pagmamahal ang bumihag sa puso ng mga netizen matapos ibahagi ng content creator na si Raevin Bonifacio ang inspiradong laban ng kanyang alagang aso na si Chance isang matapang na furbaby na nagpatuloy sa pakikibaka laban sa cancer at hindi kailanman sumuko sa buhay. Ayon sa latest update ay last chemo na si Chance at cancer free na ito.


“Hindi ako kailanman sumuko kay Chance dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanais niyang mabuhay. Hangga’t lumalaban siya, lalaban ako. Ang kwento naming dalawa ay patunay na kahit sa pinakamadilim na oras, ang pag-ibig at pag-asa ay palaging mananalo.” - Raevin Bonifacio


Araw-araw nilang hinarap ang gamutan at mga pagsubok. Hindi man madali ang proseso, pinatunayan ni Chance na ang bawat araw ng pakikibaka ay isang panibagong pagkakataon para mabuhay.


Ang dedikasyon ni Raevin at ang walang sawang pagmamahal na ibinigay niya kay Chance ang naging sandigan sa kanilang laban. Hindi lang si Raevin ang naging inspirasyon pati ang mga netizens ay bumuhos ng suporta, panalangin, at encouraging messages sa bawat update na ibinabahagi niya sa kanyang vlog.


At ngayon, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Chance. Hindi lamang siya nakaligtas, kundi mas lalo pa siyang gumagaling at gumagwapo, patunay na ang tunay na pagmamahal ay kayang magbigay ng panibagong buhay.


Ang kuwento nina Chance at Raevin Bonifacio ay nagpapaalala sa ating lahat na ang pagmamahal ay may kapangyarihang magpagaling. Hindi lang ito simpleng alaga at amo ito ay kwento ng pamilya, ng pagkakapit sa pag-asa, at ng hindi pagsuko sa laban ng buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento