Advertisement

Responsive Advertisement

DATING SENADOR ANTONIO TRILLANES PINABULAANAN ANG BALITANG NAGKIITA SILA FPRRD SA THE HAGUE: “HINDI KO BINISITA SI DUTERTE SA ICC”

Biyernes, Oktubre 3, 2025

 



Mariing itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV ang kumakalat na ulat na bumisita umano siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.


“Hindi po ako bumisita kay Duterte at napakadali ho nilang malaman ‘yan kasi na-idiscuss po sa amin ng ICC ang mga polisiya sa ICC detention center,” paliwanag ni Trillanes.


Sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, nilinaw ni Trillanes na walang katotohanan ang naturang balita at madali umano itong mapatunayan dahil may malinaw na mga patakaran ang ICC sa pagbisita sa mga nakakulong.


Ang isyu ay nagsimula nang kumalat sa social media ang balita na personal umanong binisita ni Trillanes si Duterte upang magsagawa ng “welfare check.” Maraming netizens ang nagulat at nagtaka kung totoo ito, lalo na’t kilala ang dating senador bilang isa sa mga pinakamatingding kritiko ng dating pangulo.


Ngunit ayon kay Trillanes, walang basehan ang nasabing ulat at malinaw na pekeng balita lamang ito na may layuning lituhin ang publiko. Idinagdag pa niya na kung sakaling may ganoong pagbisita, madali itong mapapatunayan dahil may official visitor logs ang ICC na hindi basta-basta maitatago.


Binigyang-diin din ni Trillanes na ang tunay na dapat pag-usapan ay hindi kung sino ang bumisita sa ICC detention center, kundi kung paano makakamit ng mga biktima ng karahasan at extrajudicial killings ang hustisya. Aniya, ito ang dahilan kung bakit patuloy siyang nakikibaka laban sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.


Ang pagputok ng maling balitang bumisita si Antonio Trillanes IV kay Rodrigo Duterte sa ICC ay patunay lamang kung gaano kadali ngayon ang pagpapakalat ng fake news sa social media. Sa kabila nito, nanindigan ang dating senador sa katotohanan at ipinunto na ang dapat pagtuunan ng pansin ay hindi ang tsismis, kundi ang pagtaguyod ng hustisya at pananagutan ng mga opisyal sa likod ng libo-libong paglabag sa karapatang pantao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento