Advertisement

Responsive Advertisement

"MASAKIT DAHIL PINAGKATIWALAAN KO, PANGALAN KO ANG NADUNGISAN "DIWATA, DI NAPIGILANG HUMAGULGOL NG NABUNYAG ANG TAONG NASA LIKOD NG PAGNAKAW SA KANYANG IDENTITY

Biyernes, Oktubre 17, 2025


 

Hindi napigilan ni Deo Balbuena, mas kilala bilang Diwata, ang mapahagulgol habang ikinukuwento kay Sen. Raffy Tulfo na natukoy na niya sa tulong ng isang content creator ang taong nagnakaw ng kanyang pagkakakilanlan at ginamit umano ang kanyang TIN ID sa iligal na transaksyon. Mas lalong masakit para kay Diwata dahil may personal na atraso pa sa kanya ang naturang tao, bago pa nagamit ang kanyang pangalan sa krimen.


Noong Oktubre 10, nagsumbong si Diwata sa Raffy Tulfo in Action matapos siyang mabiktima ng identity theft na humantong sa wrongful arrest. Nakalabas siya matapos magpiyansa ngunit bitbit ang trauma, hiya, at pagkabahala sa nasirang reputasyon.


"Masakit dahil pinagkatiwalaan ko. TIN ID ko ang ginamit, pangalan ko ang nadungisan, ako ang naaresto. Pero hindi ako titigil. Salamat kay sa mga pulis at kay Idol Raffy natukoy na namin kung sino. Hihingi ako ng hustisya at lilinisin ko ang pangalan ko." -Diwata


Ayon kay Diwata, sa kasagsagan ng kasikatan ng kanyang kainan na “Diwata Pares” sa Pasay, nilapitan siya ni Angel para sa franchise na umano’y para sa boss nito.


Pumayag si Diwata at ibinigay ang kanyang TIN ID kay Angel para asikasuhin ang business permit ng QC branch. Pero imbes na maayos ang lahat, hindi nabayaran si Diwata ng royalty at franchise fees na napagkasunduan. Higit pa rito, hindi rin nabayaran ni Angel ang ₱350,000 na inutang umano nito kay Diwata pangdagdag daw sa construction ng Diwata Pares QC branch noon.


Kalaunan, lumabas na ang pangalan ni Diwata ang ginagamit sa ilang kahina-hinalang transaksyon, dahilan para siya’y madawit at maaresto. Sa pagsisiyasat at tulong ng pulis natukoy nila ang taong sangkot.


Ang kwento ni Diwata ay paalala sa lahat ng negosyante at content creators: ingatan ang personal na datos, lalo na ang government IDs at tax information. Kapag may franchise o partnership, siguraduhing may written contract at may verification sa identity at legitimacy ng kausap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento